^

PSN Palaro

Dragonboat festival race Taytay Boys kampeon sa Race 2 Raise

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naipakita ng Taytay Boys ang magandang kondisyon para kilalanin bilang kampeon sa men’s division sa Race 2 Raise dragonboat race kahapon sa Manila Bay.

 Binubuo ng mga mananagwan mula Philippine Canoe Kayak Federation (PCKF) kumawala ang Taytay Boys sa unang 100m sa 300m karera at manaig sa Laguna Rapids.

May winning time sila na 1:11.56 at mahigit na dalawang segundo ang layo ng Taytay Boys sa Laguna na may 1:13.44.

Pumangatlo ang Philippine Dragonboat Rowing Team habang ang Phl Navy ang pumang apat.

Nakabawi naman ang Navy sa womens habang ang Marines ang naghari sa mixed division.

May  tiyempong 1:38.86 ang Navy na naagwatan ang Marines ng kalahating bangka.

Ang PDRT ang puma­ngatlo sa kababaihan. 

Ang palaro ay inorga­nisa ng Feati University na ang layunin ay makalikom ng pondo para itulong sa paglinis sa Pasig River.

Si Feati University Pre­sident Dr.  Adolfo Jesus Go­pez ang nagbigay ng paunang pananalita habang si Pasig River Rehabilitation Commission executive director Ronald Naguit ang kumatawan sa PPRC.

May basbas ng PCKF ang nasabing torneo at media partner ang PSNga­yon.

 

vuukle comment

ADOLFO JESUS GO

DRAGONBOAT ROWING TEAM

FEATI UNIVERSITY

LAGUNA RAPIDS

MANILA BAY

PASIG RIVER

PASIG RIVER REHABILITATION COMMISSION

PHILIPPINE CANOE KAYAK FEDERATION

TAYTAY BOYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with