^

PSN Palaro

Pinoy Pride XXIV Servania tatalunin si Muñoz para sa asam na world title fight

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patutunayan ni Genesis “Azukal” Servania ang estado bilang future world champion ng Pilipinas sa pag­harap sa dating world champion  na si Alexander “El Explosivo” Muñoz ng Venezuela  sa Pinoy Pride XXIV ngayong gabi sa Grand Ballroom ng Solaire Resorts and Casino sa Parañaque City.

Ang 22-anyos na si Servania ay mangangailangan ng matinding panalo para mabuksan ang pintuan para sa posibilidad na mapalaban sa lehitimong world title ba­go matapos ang taong ito.

“Hindi ito madaling laban pero masasabi kong handang-handa ako,” wika ni Servania (23-0, 9KOs) na itataya rin ang WBO Intercontinental super bantamweight title sa laban.

Nakita ang magandang kondisyon ni Servania dahil tumimbang siya sa 121 pounds at mas magaan siya ng isang pound kay Muñoz na nasa 122.

Nauna na ring sinabi ng Venezuelan fighter na da­ting hari sa WBA super flyweight na gagamitin niya ang pagkakataong ito para maipakita sa lahat na kaya pa niyang maging kampeon uli.

Halos walong buwan na napahinga si Munoz (36-5, 28KOs) at binalak ng mag­retiro nang natalo kay Leo Santa Cruz  noong Mayo 4.

“This is not an easy fight but I have prepared hard for this for three months. I came here to win,” wika ni Muñoz.

Bago mapanood ang main event sa fight card na handog ng ALA Promotions katuwang and ABS-CBN ay magpapasikat uli ang mga wala ring talo na sina Arthur Villanueva at Jason Pagara.

Kalaban ni Villanueva (24-0, 24KOs) si Fernando Aguilar ng Mexico (9-6, 1KO) habang si Pagara (18-0,12KOs) ay makiki­pagsukatan kay Isack Junior (22-4-2, 8KOs) ng Indonesia.

Apat na laban pa ang mauunang masaksihan at isa na rito ay si Reymi Castellano Aleye ng Cuba (3-0, 1KO) na makakalaban si Diover Managya-Ay (1-3-1) ng La Union na siyang unang laban sa ganap na alas-6 ng gabi. (AT)

vuukle comment

ARTHUR VILLANUEVA

DIOVER MANAGYA-AY

EL EXPLOSIVO

FERNANDO AGUILAR

GRAND BALLROOM

ISACK JUNIOR

JASON PAGARA

SERVANIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with