^

PSN Palaro

Thunder natakasan ang Trail Blazers

Pilipino Star Ngayon

PORTLAND, Oregon--Naglista si Kevin Durant ng 36 points at 10 rebounds para ihatid ang Oklahoma City Thunder sa 98-95 pagtakas sa Portland Trail Blazers.

Nagdagdag si Jeremy Lamb ng 19 points, kasama rito ang isang mahalagang 3-pointer sa huling 1:38 minuto para sa Wes­tern Conference-leading Thunder na naipanalo ang 14 sa kanilang huling 16 laro.

Umiskor naman si Nicolas Batum ng 18 points para sa Portland, natalo ng lima sa kanilang huling pitong laban at tila pagod na bago ang All-Star break.

Lumamang ang Portland ng 13 points sa first half at hinawakan ang 55-45 abante sa halftime bago nakatabla ang Thunder sa 80-80 sa fourth quarter.

Tumapos si Derek Fi­sher ng isang 3-pointer at ku­monekta si Lamb ng layup para ibigay sa Thunder ang 85-84 bentahe.

Muling napasakamay ng Portland ang 86-84 abante mula sa tirada ni rookie CJ McCollum kasunod ang hook shot ni Durant para itabla ang Oklahoma City sa 91-91.

Ang 3-pointer ni Lamb ang nag-angat sa Thunder sa 96-95 at naimintis ni Damian Lillard ang kanyang 3-pointer sa panig ng Portland sa huling 45.9 segundo.

Sa Pheonix, gumawa si LeBron James ng 37 points para pangunahan ang Mia­mi Heat sa 103-97 panalo laban sa Suns.

Nagmula si James sa pag-iskor ng season low 13 points sa kabiguan ng Heat sa Utah Jazz noong Linggo.

vuukle comment

DAMIAN LILLARD

DEREK FI

JEREMY LAMB

KEVIN DURANT

NICOLAS BATUM

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA CITY THUNDER

PORTLAND TRAIL BLAZERS

SA PHEONIX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with