^

PSN Palaro

La Salle batters winalis ang 1st round ng UAAP baseball

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Winalis ng La Salle ang first round action sa UAAP baseball sa 8-7 panalo sa UP na ginawa sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Lumayo na sa 8-3 ang Archers sa ikawalong inning at kahit nagpasok pa ng apat na runs ang Maroons sa bottom ninth, sapat naman ang kanilang depensa para makuha ang ikatlong out upang maipreserba ang panalo.

Si Thomas Uichico ang nagpasiklab sa laro ng Archers nang humataw ito ng three-run trileo para bigyan ang koponan ng 5-1 kalamangan.

Tinapos ng UST ang apat na sunod na pagkatalo sa 12-5 dominasyon sa Adamson University sa isa pang laro.

May pinagsamang nine-runs ang ginawa ng Tigers sa fifth at sixth innings upang maipasok ang koponan sa win column habang itinulak ang Falcons sa 1-3 baraha na siya ring karta ng Maroons.

Tinalo ng Ateneo at UST, 14-2, sa juniors division na tumagal lamang ng limang innings. Ito ang ikalawang sunod na talo ng Cubs sa abbreviated inning.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ATENEO

LA SALLE

LUMAYO

RIZAL MEMORIAL BASEBALL STADIUM

SI THOMAS UICHICO

TINALO

TINAPOS

WINALIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with