^

PSN Palaro

Clippers hiniya ang Bobcats

Pilipino Star Ngayon

LOS ANGELES - Ibinuhos ni Blake Griffin ang 13 sa 31 puntos sa huling 7:05 habang may 11 sa 20 puntos  si Jared Dudley sa ikatlong yugto para pamunuan ang Los Angeles Clippers sa 112-85 panalo laban sa Charlotte Bobcats noong Miyerkules.

Ito ang ikalawang sunod na laro na kinalaban ni Dudley ang kanyang mga dating koponan at kontra sa Bobcats, siya ay nagsalpak ng pito sa 10 attempts.

Ang Clippers ang kumuha kay Dudley sa first round noong 2007 bago ipinamigay sa Phoenix Suns na kung saan nagtagal siya ng isang taon.

Nakalaban ng Clippers ang Suns noong Lunes at natalo sila, 88-107 iskor.

Si Chris Paul ay naghatid ng 17 puntos at 14 assists para ipalasap ng nagdedepensang Pacific Division champions ang ikaanim na diretsong kabiguan ng Bobcats at ika-17 sunod na pagkatalo sa road.

May tig-14 puntos sina Al Jefferson at Kemba Walker para sa Bobcats na ang anim na pagkatalo ay nadesisyunan sa loob ng anim o limang puntos lamang.

Mainit si Dudley sa se­cond half at ang kanyang tres sa bungad  ng ikaapat na yugto ang nagbigay sa Clippers ng 84-69 kalama­ngan na lumobo sa 87-71 dahil sa magandang pasa  niya tungo sa layup ni Ryan Hollins may 10:05 sa orasan.

Apat na jumpers ni Griffin at isang tres ang nagtulak sa bentahe ng Los Angeles sa 102-83, sa huling 1:50 ng labanan.

Dikitan ang labanan sa first half matapos ang pagkakaroon ng 18 palitan ng kalamangan. Parehong nasa mahigit na 50 percent shooting ang Clippers at Bobcats para matapos ang first half sa 56-all iskor.

Pero umasim ang shooting sa second half ng Bobcats para tumapos tangan lamang ang 38.2 clip upang umangat ang Clippers sa 40-1 baraha kapag ang kalaban ay may 42  percent shooting lamang.

Sa iba pang resulta, nagdomina ang Toronto Raptors sa Indiana Pacers tungo sa 95-82 panalo; ang Dallas Mavericks ay umangat sa Washington Wizards, 87-78; pinataob ng Minnesota Timberwolves ang New Orleans Pelicans, 124-112, habang lumusot ang Philadelphia 76ers sa Denver Nuggets, 114-102.

vuukle comment

AL JEFFERSON

ANG CLIPPERS

BLAKE GRIFFIN

CHARLOTTE BOBCATS

DALLAS MAVERICKS

DENVER NUGGETS

INDIANA PACERS

JARED DUDLEY

KEMBA WALKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with