^

PSN Palaro

Farenas na-TKO si Rios

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinailangan lamang ni two-time world title challenger Michael Farenas ang dalawang round para manalo kay Mexican bo­xer Jesus Rios sa kauna-unahang boxing promotion ng MAG Pacman Boxing International Promotions noong Biyernes ng gabi sa Solaire Resorts and Casino.

Matitinding kumbinas­yon ang pinakawalan ni Farenas upang dalawang beses na tumumba si Rios sa ikalawang round.

Nagawa pa niyang bu­mangon matapos ang pangalawang paghalik sa lona sa round pero nagdesisyon na ang referee na itigil na ang laban sa 2:40 ng round.

Ang panalo ay nagbigay kay Farenas ng  37  panalo sa 46 laban, kasama ang 29 KOs.

Si Rios ay natalo sa ikalimang pagkakataon matapos ang 33 laban para tapusin din ang naunang dalawang panalo sa taon.

Ang magandang panalo ng 29-anyos na boxer na tinaguriang “Hammerfist” ay maaaring magbukas ng pintuan sa mas mala­king laban.

 

vuukle comment

BIYERNES

FARENAS

HAMMERFIST

JESUS RIOS

KINAILANGAN

MICHAEL FARENAS

PACMAN BOXING INTERNATIONAL PROMOTIONS

SI RIOS

SOLAIRE RESORTS AND CASINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with