^

PSN Palaro

Cojuangco kay Sen. trillanes: ‘Huwag mo kaming personalin’

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkakamali si Senator Antonio Trillanes IV sa kanyang pananaw na ang POC na pinamumunuan ni Jose Cojuangco Jr. ang siyang nagdedesisyon lamang kung ang pagkilala sa isang National Sports Association (NSA) ang pag-uusapan.

Sa lingguhang POC-PSC radio program sa Sports Radio kahapon, tinu­ran din ni Cojuangco na pinepersonal siya ni Trillanes dahil hindi niya pinaunlakan ang mga kahilingan na siya ay kilalanin bilang lehitimong pangulo ng basketball at table tennis sa bansa.

Ayon kay Cojuangco, walang nalalaman si Trillanes sa takbo ng sports dahil kung alam niya ito, batid din niya na para bigyan ng rekognisyon bilang NSA ang isang association  ay dapat muna na kilalanin sila ng International Federation.

Sakaling magkaroon na ng IF recognition, pagbobotohan pa ito ng POC exe­cutive board at ng General Assembly para mapabilang sa pamilya ng POC at susuportahan ng pondo ng PSC.

Nagsampa sa Ombudsman ng malversation of funds si Trillanes laban kina Cojuangco, PSC chairman Ricardo Garcia at iba pa dahil sa pagsuporta sa mga umano’y bogus NSAs.

Si Trillanes ay pangulo ngayon ng TATAP pero ang kinikilala ng IF at POC ay ang grupo ni Ting Ledesma.

“Gumawa siya ng demanda di naman niya alam ang kanyang ginawa. Wala akong makitang basehan ng reklamo at gusto niya ma-intimidate kami. Gusto niya mag-bow ako sa kanya dahil Senador na siya, sorry Mr. Trillanes, hindi ako ganoong klaseng tao,” wika ni Cojuangco na tiyuhin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.

Kahit si dating IOC repre­sentative sa Pilipinas Frank Elizalde ay hindi maintindihan ang ak­syon na ito ng senador.

“Its up to Sen. Trillanes to convince the  IF of his legitimacy (TATAP), Apparently he has failed. This is ano­ther distraction, which will hurt the progress of Phi-lippine Sports. In my personal opi­nion, I consider this as harassment,” ani Elizalde.

Sa parte ni Garcia, hinihintay na lamang niya na ipatawag siya ng Ombudsman at sagutin ang mga reklamo sa kanya.

Hindi rin niya maintindihan ang tinatawag na bogus NSA na kanilang sinuportahan dahil lahat ng kanilang tinutulungan ay may rekognisyon ng POC at IF.

Hindi rin niya alam kung may kaso ba ang dalawang TATAP associations dahil kung tunay na may dinidinig pa sa korte ang liderato rito, dapat lamang na nagpalabas ng desisyon ang Korte na magbabawal sa PSC na magpalabas ng pondo para sa grupo ni Ledesma.

vuukle comment

COJUANGCO

GENERAL ASSEMBLY

INTERNATIONAL FEDERATION

JOSE COJUANGCO JR.

MR. TRILLANES

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

NIYA

PANGULONG BENIGNO

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with