NU Bullpups winalis ang Blue Eaglets
MANILA, Philippines - Kinumpleto ng NatioÂnal University ang perfect season sa juniors division matapos angkinin ang 81-74 panalo sa Ateneo sa Game Two ng UAAP juniors Finals kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Si Hubert Cani ay mayroong 25 puntos at anim na assists, ngunit nanalo ang Bullpups dahil sa krusyal na tres galing kay Michael Battad upang maisantabi ang huling pagdikit ng Blue Eaglets sa 72-74.
Tumapos si Battad bitbit ang siyam na puntos at ang ipinukol na tres ang natatanging 3-pointer na ginawa sa laro.
May 18 puntos at 15 rebounds si John Cauilan habang 10 puntos pa ang ibinigay ni Carlos Lopena para sa NU na hindi natalo sa kabuuan ng 76th UAAP season.
Winalis ng koponan ang double round elimination para magkaroon ng thrice-to-beat sa second seed Ateneo na nanggaÂling sa step-ladder semifinals.
Si Cani ang siyang hinirang bilang Finals MVP matapos magbigay ng 24.5 puntos, 4 rebounds, 7 assists at 2 steals averages upang ibigay sa NU ang ikalawang UAAP title matapos magkampeon din noong 2011.
- Latest



















