^

PSN Palaro

Nalusutan ang New Jersey: Iloilo humabol sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Iloilo Province ang kanilang depensa sa bottom seventh upang maitakas ang 12-11 panalo sa West Cumberland ng New Jersey sa quarterfinals ng Junior League Softball World Series na ginagawa sa Kirkland, Washington.

Lamang ng dalawa  ang Asia Pacific team, 12-10, papasok sa bottom seventh, tinapyasan ni Alyssa Donato ang kalamangan sa isa nang naka-leadoff double, umabante sa dalawang bases sa fielders choice at umiskor sa sacrifice fly ni Haley Hulitt.

Si Jaclyn Lesher ang may tangan ng tying run sa two-outs situation ngunit ang kanyang hinataw ay nakuha ni second base player Clarissa Lozada para magselebra ang delegasyon mula Pilipinas.

Tatlong pitchers ang ginamit ng Iloilo ay ang starter na si Beverlyn Velasco ang kumuha ng panalo sa apat na hits at limang runs bukod sa 4 strikeouts sa 2 1/3 innings.

Ang panalo ay nagpasok sa Iloilo sa semifinals at kalaban nila ang host Kirkland na pinatalsik ang Emilia Little League ng Italy, 10-0.

Rematch ito ng dalawang koponan at ang Iloilo ay magtatangka na maipaghiganti ang 0-10 shutout na pagkatalo sa naunang pagtutuos.

May isang panalo sa apat na laro lamang ang Iloilo sa Pool A elimination kaya’t nakalaban ang top team sa Pool B na West Cumberland na walang talo sa apat na laro.

Lamang pa ng isa sa hits ang New Jersey team,12-11, pero maagang kumunekta ang Iloilo para agad na makapagdomina sa laro.

Sina Pearly Lorca, Sherami Mendador, Flora Satore at Georgie Adorador ay nagsanib sa walong hits at limang RBIs para pamunuan ang malakas na opensa na hindi nawala kahit binigyan ng matinding hamon ng West Cumberland

Tig-tatlong runs ang ginawa ng Iloilo sa unang dalawang innings para hawakan ang 6-2 kalamangan bago rumatsada ang West Cumberland ng tatlong runs sa third inning para lumapit sa isang run.

Gumanti ang Asia Pacific team sa fourth round sa pamamagitan ng apat na runs na kinuha nina Dezza Barredo, Lorca, Adorador at Mendador sa isang error, single at wild throw.

Hindi pa agad bumigay ang top team sa Pool B matapos umiskor ng pinagsamang limang runs sa bottom fifth at sixth laban sa dalawa ng Iloilo para 12-10 iskor sa seventh inning. Pero hindi nagpapigil ang Iloilo gamit ang depensa para lumapit sa dalawang hakbang upang hiranging world champion sa dibisyon.

vuukle comment

ALYSSA DONATO

ASIA PACIFIC

BEVERLYN VELASCO

CLARISSA LOZADA

DEZZA BARREDO

EMILIA LITTLE LEAGUE

ILOILO

NEW JERSEY

POOL B

WEST CUMBERLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with