^

PSN Palaro

Inangkin ang buwenamanong panalo Cignal, PLDT MyDSL nanalasa agad

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpakilala agad ang Cignal HD nang kunin ang 25-22, 25-17, 25-23, straight sets panalo sa Petron sa pagbubukas ng Philippine Super Liga women’s volleyball invitational kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sina dating UST star Venus Bernal at Perpetual Help ace Honey Rose Tubino ang umiskor sa mga pag-atake para pamunuan ang Cignal sa paghawak sa liderato sa anim na koponang liga.

May 17 puntos si Bernal, tampok ang 14 kills, habang si Tubino  na kasapi ng Lady Altas nang manalo sa NCAA women’s volleyball ay mayroong 11 hits.

May 12 puntos pa ang dating South Western University star Danika Gendrauli upang makitaan ng balanseng pag-atake ang tropa ni coach Sammy Acay­lar.

“Hindi ko inaasahan na ganito kaganda ang pa­nimula ng team dahil da­lawang araw lamang kami nakapag-ensayo,”  pahayag ni Acaylar na siya ring mentor ng Perpetual Help.

Sumalo sa maagang liderato ang PLDT MyDSL nang manalo sa PCSO Bingo Milyonaryo, 22-25, 25-18, 25-22, 25-20, sa ika­lawang laro.

Si Aiza Maizo-Pontillas ay mayroong 11 puntos pero wala ng iba pang manlalaro ng Petron ang nasa double-digits para malaglag sa 0-1 karta.

Sa first set lamang lumamang ang Petron bago nagsimulang umiskor sa net game sina Vernal at iba pang kakampi at ang 18-20 iskor ay naging 25-22 panalo.

Mula rito ay hindi na nagpabaya pa ang Cignal sa mga sumunod na sets para sa unang dominanteng panalo sa liga na sinaksihan ng halos 7,000 manonood.

vuukle comment

BINGO MILYONARYO

CIGNAL

DANIKA GENDRAULI

HONEY ROSE TUBINO

LADY ALTAS

PASIG CITY

PERPETUAL HELP

PETRON

PHILIPPINE SUPER LIGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with