^

PSN Palaro

4th ASEAN basketball league: Slammers nakatikim din ng panalo sa Slingers

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinigay ni Filipino import Froilan Baguion ang lide­ratong hanap sa kanya at ang dating kampeon Chang Thailand Slammers ay nakatikim din ng panalo sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) sa pamamagitan ng 65-62 panalo laban sa Singapore Slingers na ginawa noong Biyernes sa Nimibutr Stadium, Bangkok, Thailand.

May double-double na 15 puntos at 13 assists si Baguion at ang kanyang dalawang free throws sa huling 30 segundo sa laro ang nagbigay ng tatlong puntos na kalamangan sa Slammers.

Sablay ang pinaka­walang dalawang panab­lang tres ni Filipino forward Jun Jun Cabatu para matalo ang bisitang Slingers.

Si Chris Charles ay mayroong 16 puntos at 16 rebounds at 7 blocks habang si Michael Earl ay naghatid ng 10 puntos at ang Slammers ay naka­tikim din ng panalo sa pang-apat na laro.

Ikalawang pagkikita rin ito ng dalawang koponan at naipaghiganti ng Slammers ang 50-56 pagkatalo sa Slingers noong Enero 13 sa Singapore Indoor Stadium.

Ang beteranong import na si Kyle Jeffers ay mayroong 18 puntos, 10 rebounds, 5 assists at 4 na blocks habang sina Cabatu ay mayroong 12 at ang isa pang import Rashad Jamal-Jennings ay may 12 puntos at 12 boards.

Pero kinulang ang ka­­n­i­lang naipakita upang bu­maba sa 1-1 baraha.

vuukle comment

BASKETBALL LEAGUE

CHANG THAILAND SLAMMERS

FROILAN BAGUION

JUN JUN CABATU

KYLE JEFFERS

MICHAEL EARL

NIMIBUTR STADIUM

RASHAD JAMAL-JENNINGS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with