^

PSN Palaro

Krusyal na panalo pakay ng Energen U-18 vs SoKor

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Susukatin ngayon ng Energen Pilipinas ang husay ng South Korea sa pagsisimula ng knockout stage sa 22nd FIBA Asia U18 Championship sa Buyant-Ukhaa Arena sa Ulan Bator, Mongolia.

Krusyal ang mga laban sa quarterfinals na isa­sagawa ngayon at ang ma­nanalo sa apat na larong matutunghayan ang siyang aabante sa semifinals.

Sa ganap na alas-6 ng gabi itinakda ang pagku­krus ng landas ng Pilipinas at Korea, dalawang bansa na may makulay na kasaysayan kung basketball ang pag-uusapan.

Isa sa kinasabikang labanan ng dalawang bansa ay nangyari noong 2002 sa Busan Asian Games at nanalo ang Korea sa semifinals, 70-68, nang sumablay si Olsen Racela sa kanyang dalawang free throws na nagresulta sa isang tres ni Lee Sang Min sabay tunog ng final buzzer.

Si Racela ang coach ng koponan at aminado siyang mahirap ang landas na hinaharap ng kanyang alipores na maghahangad na lampasan ang fifth place finish ng koponang hawak ni coach Eric Altamirano no­ong 2010 sa Yemen.

“Haven’t seen a Korean youth team this big…ever! They’re almost as tall as China,” wika ni Racela nang pinanood ang laro ng katunggaling koponan at China noong Miyerkules.

vuukle comment

BUSAN ASIAN GAMES

BUYANT-UKHAA ARENA

ENERGEN PILIPINAS

ERIC ALTAMIRANO

ISA

LEE SANG MIN

OLSEN RACELA

SI RACELA

SOUTH KOREA

ULAN BATOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with