UST tanggap ang pagiging dehado vs Ateneo
- Ni ATan () - June 2, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Tanggap ng nagbabalik na six-time champion UST ang pagiging dehado nila sa Ateneo kung bakbakan sa finals sa 9th Shakey’s V-League na handog ng Smart ang pag-uusapan.

Magtutuos ang Lady Tigresses at Lady Eagles sa best of three finals na magsisimula bukas sa The Arena sa San Juan City.

Ang nagdedepensang Lady Eagles ay hindi pa natatalo sa 10 laro, at kasama rito ang 7-25, 25-18, 25-21, 25-20 panalo sa Lady Tigresses sa natatanging pagkikita na nangyari sa quarterfinals sa ligang inor­   ganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

 Ang kabiguang ito ng UST ay ikalawa sa ligang may suporta pa ng ACCEL at Mikasa dahil dumapa din sila sa San Sebastian sa game two ng kanilang best of three semifinals series, 25-22, 27-29, 25-14, 23-25, 12-15.

Nakaabante naman ang UST nang kunin ang 25-12, 25-13, 25-23 tagumpay sa Lady Stags noong Huwebes sa game three.

“May chance naman kami sa Ateneo. Pero kailangang doblehin namin ang aming efforts,” wika ni coach Odjie Mamon na magnanais na maisama kina August Sta. Maria at Shaq delos Santos bilang mga coach na nagpakampeon sa UST.

ATENEO AUGUST STA LADY EAGLES LADY STAGS LADY TIGRESSES ODJIE MAMON SAN JUAN CITY SAN SEBASTIAN SHAKEY SPORTS VISION
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with