NLEX, Cebuana namumuro na
- Ni ATan () - June 1, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Namuro ang NLEX at Cebuana Lhuillier sa posib­leng muling pagtutuos sa finals nang magsipanalo sa pagsisimula kahapon ng PBA D-League Foundation Cup semifinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

 Tumipak ng 22 puntos si Clifford Hodge habang 13 puntos at 12 boards ang ibinigay ni Calvin Abueva at ang dalawa ay nagtulong sa fourth period na kung saan umarangkada ang Road Warriors.

“Hindi maganda ang laro namin pero ang mahalaga ay nakagawa kami ng mga defensive stops sa fourth period at nakagawa ng mga mahahalagang baskets,” wika ni Road Warriors coach Boyet Fernandez na ibinulsa rin ang ika-10 sunod na panalo.

May 18 puntos si Paul Zamar para pangunahan ang Elite na hindi nakayang protektahan ang 65-62 bentahe ilang minuto matapos simulan ang huling yugto.

Nakita naman ang ma­gandang kondisyon ng Gems nang iuwi ang 79-66 panalo sa Big Chill sa ikalawang laro.

Ang bench players na sina Chris Exciminiano at James Mangahas ay may 16 at 10 puntos .

BIG CHILL BOYET FERNANDEZ CALVIN ABUEVA CEBUANA LHUILLIER CHRIS EXCIMINIANO CLIFFORD HODGE D-LEAGUE FOUNDATION CUP JAMES MANGAHAS PASIG CITY ROAD WARRIORS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with