^

PSN Palaro

PSC ibinigay na ang cash incentives

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Masayang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ang mangyayari sa dalawang atleta at dalawang coach matapos nilang tanggapin ang kanilang insentibo matapos bigyan ng kara­ngalan ang bansa sa mga nilahukang World Cham­pionships noong mga nagdaang taon.

Base sa RA 9064 o In­centives Act, nagpalabas kahapon ang PSC ng P2.5 milyong piso bilang insentibo nina bowling coach Dansker Tonolete at lady bowler Maria Liza Del Rosario, soft tennis netter Joseph Arcilla at coach Giovanni Mamawal.

Ang pera ay nangga­ling sa PAGCOR na siyang nag­bibigay ng pondo para sa Incentives Act.

Pinakamalaki ang na­punta kay Tonolete nang bigyan siya ng P1,250,000.00 pabuya matapos manalo ng ginto si Biboy Rivera sa masters event sa 2006 World Men’s Championship sa Busan, Korea.

Si Del Rosario ay tu­manggap ng P500,000 pabuya sa naiuwing bronze medal sa 8th World Games sa Kaosiung, Taiwan noong 2009 habang sina Arcilla at Mamawal ay tumanggap din ng tig-P500,000 nang nag-uwi sila ng bronze medal sa 14th World Soft Tennis Championship sa South Korea noong naka­raang taon.

vuukle comment

BIBOY RIVERA

DANSKER TONOLETE

INCENTIVES ACT

JOSEPH ARCILLA

MAMAWAL

MARIA LIZA DEL ROSARIO

SHY

SI DEL ROSARIO

SOUTH KOREA

WORLD CHAM

WORLD GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with