^

PSN Palaro

Phl Patriots pinalamig ang Heat

-

MANILA, Philippines - Nag-init si Anthony Johnson sa second half upang tulungang iahon ang AirAsia Philippine Patriots mula sa mahinang panimula tungo sa 75-59 tagumpay laban sa Saigon Heat sa pagsisimula ng kampanya sa ‘To Be Number One Basketball Challenge’ noong Biyernes sa Nimibutr National Stadium sa Bangkok, Thailand.

Naunang nanalasa ang koponan mula sa Vietnam at nakapagdomina pa sa first half nang kunin ang first quarter at second quarter sa 18-15 at 29-27.

Pero nakuha ni Johnson ang larong inaasahan sa kan­ya nang kumunekta siya mula sa halos lahat ng puwesto sa court para makapaghatid ng 24 sa kabuuang 26 puntos sa laro sa huling 20 minuto ng bakbakan.

Ang pag-iinit ni Johnson ay tila naging inspirasyon sa ibang kasamahan at si Nakiea Miller ay nanalasa sa rebounding sa kanyang 17 boards bukod sa 15 puntos habang ang mga local players ay nagtulung-tulong para mas higpitan pa ang kanilang depensa tungo sa panalo.

vuukle comment

ANTHONY JOHNSON

BIYERNES

JOHNSON

NAKIEA MILLER

NAUNANG

NIMIBUTR NATIONAL STADIUM

PERO

PHILIPPINE PATRIOTS

SAIGON HEAT

TO BE NUMBER ONE BASKETBALL CHALLENGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with