"Hoops And Hopes" Preview Ng 2011 PBA draft picks sa aktv sa IBC
MANILA, Philippines - Dalawang one-hour specials ang itatampok ng AKTV sa IBC, ang bagong tahanan ng PBA para sa darating na 37th season, kaugnay sa 2011 PBA Draft na tinawag na “Hoops and Hopes”.
Ito ay isasaere sa Agosto 26 at 27 sa ganap na alas-9 ng gabi.
Ang ‘Hoops and Hopes’ ang magbibigay ng malalalimang pag-uulat at panayam sa mga susunod na PBA stars na lalahok sa PBA Rookie Draft sa Linggo sa Robinson’s Place sa Ermita.
Nangunguna sa mga aspirante sina Smart Gilas Pilipinas team members Mac Baracael, Mark Barroca, Marcio Lassiter, Dylan Ababou at JV Casio.
Nasa programa rin sina amateur standouts James Martinez, Eric Salamat at Paul Lee na bahagi ng kabuuang 35 aspirante.
- Latest
- Trending

















