^

PSN Palaro

Pirates 'di bumitaw sa itaas

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Lyceum ang bangis ng paglalaro sa ikatlong yugto upang ma­ging puhunan tungo sa solo liderato sa NCAA men’s basketball sa pamamagitan ng 93-87 tagumpay sa University of Perpetual Help System Dalta na ginanap sa The Arena sa San Juan City kahapon.

Ibinagsak ni Kevin Lacap ang walo sa kanyang 9 na puntos sa ikatlong yugto na kung saan nakaiskor ng 31 puntos ang Pirates para tabunan ang 42-45 halftime deficit tungo sa 73-65 kalamangan.

Si Chris Cayabyab ay mayroong 17 puntos para pangunahan ang Lyceum at anim dito ay ginawa niya sa huling yugto habang ang depensa ay napigilan ang rally ng Altas para kunin ng Pirates ang 2-0 karta at itulak ang host Altas sa 0-2 baraha.

“Ilang beses na rin na ang game namin ay na-televised sa ibang liga pero lagi kaming talo. May pressure pero nahawakan ng mga bata ito ng maayos,” wika ni Tan na ang kopo­nan ay nagpapasikat kahit itinalaga lamang bilang guest team sa taong ito.

Pinakamalaking kalamangan nga ng Pirates ay 14 puntos, 83-69,sa tres ni Cayabyab pero nakapa­nakot pa ang Altas nang nakadikit sa apat, 87-91.

Ngunit ang depensa ng Lyceum ay nagresulta upang sumablay ang kalaban sa mahahalagang buslo para maisunod ito sa 75-63 unang panalo sa St. Benilde.

Outrebounded ang Lyceum ng UPHSD, 45-57, at napag-iwanan din sa assists, 15-20, pero bumawi ang koponan sa mas magandang shooting na 45% sa 30 of 66 laban sa 37% lamang ng Altas sa 31 of 83. May anim na buslong bentahe rin ang Pirates sa Altas sa free throw line (28-22).

Bumawi naman ang Arel­lano sa tinamong unang kabiguan nang daigin sa overtime ang Jose Rizal University, 79-75, sa isa pang laro.

Sa juniors division, tinalo ng Perpetual Altalletes ang Junior Pirates, 107-37, habang nanaig naman ang Baby Chiefs sa Light Bombers, 86-77.

LPU 93--Cayabyab 17, Guevarra 14, Santos 12, Laude 11, Lacap 9, Lesmoras 8, Napiza 8, Zamora 7, Ko 6, Francisco 1, Azores 0.

UPHSD 87-- Vidal 17, Paulino 13, Alano 13, Elopre 12, Asuncion 10, Thompson 7, Tonggal 6, Jolangcob 5, Arboleda 2, Sumera 2,.

Quarterscores: 18-24; 42-45; 73-65; 93-87

Arellano 79 – Zulueta 21, Acidre 15, Caperal 12, Lapuz 11, Celada 9, Pagayunan 9, Casino 2, Palma 0

JRU 75 – Villarias 21, Lopez 17, Carampil 15, Almario 6, Kabigting 6, Mendoza 6, Apinan 2, Montemayor 2.

Quarterscores: 11-14, 28-32, 47-47, 71-71, 79-75

vuukle comment

ALTAS

BABY CHIEFS

CAYABYAB

JOSE RIZAL UNIVERSITY

JUNIOR PIRATES

KEVIN LACAP

LIGHT BOMBERS

PERPETUAL ALTALLETES

QUARTERSCORES

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with