^

PSN Palaro

Pacquiao-Mayweather fight puwedeng matuloy - Norton

- Ni QHenson -

CANASTOTA--Sinabi ni dating world heavyweight boxing champion Ken Norton na maaaring matuloy ang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. dahil sa malaking prize money na naghihintay sa dalawa.

“Manny’s a great fighter, very exciting, always coming forward,” wika ni Norton na narito sa New York village bilang special guest sa 22nd induction ceremonies ng International Boxing Hall of Fame. “The fight (against Mayweather) will happen for sure. You know why it’s going to happen? It’s the money. Who’s going to win? I think it’s 50-50.”

Inaasahang makakakuha si Pacquiao ng tatlong beses sa mga kinita niya sa nakaraan niyang tatlong laban sakaling matuloy ang kanilang upakan ni Mayweather.

Ang maaaring maibulsa nina Pacquiao at Mayweather at tig-$65 Million.

Ang 67-anyos na si Norton ay naihanay sa Hall of Fame noong 1992. At nang tanungin kung maaari nang ibilang si Pacquiao sa 10 best fighters, tumango si Norton. 

Si Norton ay dumalaw na sa Plipinas bilang isang TV commentator para sa Muhammad Ali-Joe Frazier “Thrilla In Manila” sa Araneta Coliseum noong 1975. 

Nakasama niya sa broadcast panel sina actor Hugh O’Brien ng TV’s “Wyatt Earp” fame, comedian Flip Wilson at anchor Howard Cosell.

Si Norton, nakilalang si “Black Hercules,” ay bulol na magsalita at kumikilos na may walker. 

Nabasag ni Norton ang panga ni Ali noong 1973 patungo sa kanyang 12-round split decision win.

Ang kondisyon ngayon ni Norton ay hindi dahil sa kanyang boxing career, nagwakas noong 1981, kundi sa isang car accident sa Los Angeles freeway noong 1986. 

Ang bungo ni Norton ay bumuka. Ang kanyang kanang binti hanggang sa tuhod ay nabali. Nadurog ang kanyang panga at sumailalim sa isang three-hour operation para mailigtas ang kanyang buhay.

“It bothers me to speak like this because it’s so much different from what I was,” wika ni Norton sa isang interview isang taon matapos ang aksidente. “Some days, my voice is kind of husky, some days, it’s plainer.”   

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BLACK HERCULES

FLIP WILSON

FLOYD MAYWEATHER

MAYWEATHER

NORTON

PACQUIAO

SI NORTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with