Pinoy netters umusad sa susunod na round
- Ni Gerry Carpio () - November 18, 2010 - 12:00am

GUANGZHOU- Tinalo nina Johnny Arcilla at RJ Gonzales ang mga pambato ng Sri Lanka, habang hindi naman nagpagod sina Cecil Mamiit at Conrad Treat Huey sa kanilang panalo sa first round ng doubles play sa 16th Asian Games tennis competitions sa Aoiti Tennis Center.

Nagtuwang sina Arcilla at Gonzales mula sa kanilang pinagsamang anim na aces at pitong service winners para igupo sina Fahad Al Saad at Omar Al Thagib, 6-1, 6-1, upang pumasok sa Round of 16.

Nakasama nila sina Mamiit at Huey na umiskor ng walk-over win kina Erdene­ba­yar Durenbayar at Angarag Sandag ng Mongolia.

Makakasagupa nina Arcilla at Gonza­les sina SK Devvarman at SK Singh ng India.

Makakatapat naman nina Mamiit at Huey sina Soeda Go, miyembro ng sil­ver medal-winning team sa 2002 Doha Asian Games, at Hiroki Kondo, nag-uwi ng bronze sa 2009 East Asian Games, ng Japan.

Para makarating sa finals sina Mamiit at Huey, makakasagupa muna nila sa quarterfinals sina Yi Chu-huan at Lee Hsin-han ng Chinese-Taipei at sa semifinals ang second seed na China.

Dadaan naman sina Arcilla at Gonzales kina Bai at Zhang ng China sa quar­terfinals sakaling manalo kina Devvarman at Singh.

Naghihintay naman sa semis sina top seed Sanchai at Sonchat Ratiwatana ng Thailand.

ANGARAG SANDAG AOITI TENNIS CENTER ARCILLA ASIAN GAMES CECIL MAMIIT CONRAD TREAT HUEY DEVVARMAN GONZALES HUEY MAMIIT SINA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with