^

PSN Palaro

Laban tatapusin na ng 25ers

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos makuha ang series opener sa overtime noong Hu­webes, inaasahan na ni Excelroof head coach Ato Agustin na mas magiging matindi ang ka­nilang labanan ng Pharex B Complex ni Aboy Castro. 

“I expect Game 2 to be tougher and harder since we’ll both make adjustments,” ani Agustin. “But if we remain to play at this level we can sweep the series.”

Hangad wakasan ang kanilang championship series ng Fighting Maroons, sisikapin ng 25ers na muling mabingwit ang Game Two ngayong alas-3 ng hapon para sa 2010 PBL PG Flex Placenta Cup sa The Arena sa San Juan.

Sa likod nina Jimbo Aquino, Calvin Abueva at Gilbert Bulawan, tinalo ng Excelroof ang Pharex, 97-87, via overtime sa Game One noong Huwebes sa kabila ng isang 17-point deficit sa third period.

Hangad ni Agustin ang kanyang ‘Grand Slam’ matapos igiya ang San Sebastian Stags sa korona ng nakaraang 85th NCAA season at sa CHED Na­tional Games.

“Since I used most of my players are from San Sebastian, we managed to capitalize on our championship experience,” sabi ni Agustin, muling aasa kina Jimbo Aquino, Calvin Abueva, Gilbert Bulawan, Pamboy Raymundo, Ronald Pascual at Ian Sangalang katapat sina Vic Manuel, Woody Co, Nestor Da­vid, Mark Lopez at Martin Reyes ng Pharex.

Winakasan ng 25ers ang ipinosteng six-game winning streak ng Fighting Maroons mula sa nasabing panalo sa kanilang series opener.

Ayon kay Agustin, tinulungan ang mga koponan ng Yco at RFM sa pagkakampeon sa Phi­li­ppines Amateur Basketball League (PABL) noong 1980’s hanggang makuha ng San Mi­guel sa PBA Draft noong 1989, ang offensive rebounding ang magiging susi sa kanilang panalo.

Samantala, itatanghal naman sa ganap na alas-2:45 ng hapon kung sino kina Aquino, Manuel at Paul Lee ng Cobra Energy Drink ang magiging Best Player of the Conference.

Kasunod nito ang pagkilala sa bubuo ng Mythical Five.

vuukle comment

ABOY CASTRO

AGUSTIN

AMATEUR BASKETBALL LEAGUE

ATO AGUSTIN

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

CALVIN ABUEVA

EXCELROOF

FIGHTING MAROONS

GILBERT BULAWAN

JIMBO AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with