^

PSN Palaro

Lady Tams umusad sa semis

-
Bumangon mula sa unang set na pagkakalugmok ang Far Eastern University upang igupo ang Philippine Christian U, 16-25, 25-13, 25-16, 25-23, kahapon at makausad sa semis ng V-League na ipiniprisinta ng Shakey’s Pizza sa Blue Eagle Gym.

Binanderahan ng 22 anyos na tubong Angeles City, Pampanga na si Mary Ann Manalo ang Lady Tamaraws at ilista ang kanilang ikaapat na panalo sa anim na laban upang makasama ang Lady Archers at Adamson Lady Falcons sa susunod na round.

Ang La Salle, na umaasam ng kanilang three-peat, ay wala pang talo sa kanilang limang laro habang ang Adamson naman ay nasa ikalawang puwesto na may 4-1 rekord sa event na ipiniprisinta ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Malakas ang panimula ng PCU ngunit nalugmok sa sumunod na tatlong sets at tsansang makapuwersa ng deciding fifth set matapos ubumante ng tatlong puntos ng tatlong beses sa ikaapat na set.

Umatake si Manalo at dito nabigo ang Lady Dolphins na idepensa ang kanilang balwarte at makamit ang ikatlong kabiguan sa gayundin daming panalo sa torneong ito na suportado din ng Accel, Mikasa, ABC-5 at ABC Sports.

Umaasa naman ang PCU na makakausad sa semis sa kanilang pakikipagharap sa Lyceum Lady Pirates sa Sabado.

Ang mga laro ay ipinapalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes, alas-4:30 ng hapon sa ABC-5.

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

ANG LA SALLE

ANGELES CITY

BLUE EAGLE GYM

FAR EASTERN UNIVERSITY

LADY ARCHERS

LADY DOLPHINS

LADY TAMARAWS

LYCEUM LADY PIRATES

MARY ANN MANALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with