^

PSN Palaro

Calderon humarurot sa Clark Field

-
Itinumba ni Joel Calderon ang lahat ng pinakamahuhusay na riders sa bansa sa pamamagitan ng mahusay na pagpadyak sa Philamlife Cycling Search Invita-tional (CSI) Criterium Race, tungo sa pagkopo nito ng titulo sa fourth leg ng event sa parade grounds ng Clark Field sa Pampanga.

Nagkasya lamang sa back-ground sa unang tatlong legs ng buwang buwang criterium racing na hatid ng Philamlife ngunit sinustinihan nito ang kanyang magandang simula sa 30-lap run, upang igupo si Bernard Luzon ng San Leonardo Cycling Group at third leg winner na si Victor Espiritu ng Phil. Army para sa top honors sa centerpiece men’s elite at under-23 class.

Lumikom si Calderon ng 29 points para maging fourth cham-pion sa event na ito na sponsored ng Pagcor, PCSO, PLDT, Aktivade Thirst Quencher, Monterey, Air21, PhilCycling, Partas, Speed Detergent Bar and Powder, at Philippine Sports Commission.

Nakuha ni Luzon ang runner-up honors sa kanyang 26 points habang nagkasya bilang third si Espiritu na may 24 points.

Samantala, nakadalawang sunod si Raul Gendrano sa masters division ng event na inorganisa ng Treo Sales and Marketing Corp. nang dominahin niya ang kanyang mga kalaban.

Sa iba pang resulta, umiskor si Bryant Villaroman ng 37 points upang igupo si Michael David (34) at Lord Anthony del Rosario (14) para pamunuan ang 21-lap youth division habang kinarera naman ni Arnel Avis ang 48 points upang igupo sina Jazy Garcia (35) at Leian Cruz (20) sa executive category matapos ang 24 laps.

vuukle comment

AKTIVADE THIRST QUENCHER

ARNEL AVIS

BERNARD LUZON

BRYANT VILLAROMAN

CLARK FIELD

CRITERIUM RACE

JAZY GARCIA

JOEL CALDERON

LEIAN CRUZ

LORD ANTHONY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with