^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Twice-to-beat asam ng Sunkist-UST vs Hapee

-
Ang angkinin ang ikalawang quarterfinals slot at ang twice-to-beat na bentaheng kaakibat nito, ang asinta ng Sunkist-UST sa pagharap nito sa defending champion Hapee Toothpaste sa pagsiklab ng huling araw ng eliminasyon ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa Blue Eagles Gym.

Ang laban ay itinakda sa alas-dos ng hapon.

Samantala, ang papagtibayin pa ang kanilang kapit sa liderato at padaliin ang pag-usad sa kampeonato ang pakay ng Viva Mineral Water-FEU sa pakikipagtipan nito sa Welcoat Paints sa ika-4 ng hapon.

Kapwa may tangang 4-5 rekord, ang Sunkist at Hapee ay kasalukuyang nakapuwes-to sa ikatlo at ika-4 na puwesto, kalahating laro ang abante sa Toyota Otis-Letran, Blu Star Detergent, Montana Pawnshop at Lee Pipes-Ateneo, na magkakasalo sa ika-5 hang-gang ika-8 posisyon.

Ang magwawagi sa Tigers at Teeth Sparklers ang siyang susungkit sa No.3 seed habang ang mabibigo ay mahuhulog sa 5-way tie kasama ang Knights, Detergent Kings, Jewels at Blue Eagles, na reresolbahin sa pamamagitan ng quotient system, kung saan ang may pinakamataas na quotient ang siyang aangkin sa No.4 seed samantala ang mahuhuling apat ay magdaraan sa knockout playoff match para madetermina ang 2 pang quarterfinalist.

Kahit matalo, ang Hapee ay nakasisiguro na ng twice-to-beat na pribilehiyo sa bisa ng plus-23 quotient nito laban sa Toyota, Montana, Blu Star at Lee Pipes.

Kung ang Sunkist naman ang mabibigo, ang Knights ang siyang aakyat sa No.4 bunga ng plus-18 quotient nito laban sa plus-9 lamang ng Tigers.

Ang Viva at Welcoat, na may kartang 8-1 at 6-3, ayon sa pagkakasunod, ay direkta nang aabante sa semifinals matapos ang labang ito.

Sa kanilang unang pagha-harap sa komperensyang ito noong Abril 6, tinalo ng Welcoat ang Viva-FEU, 89-80. Matapos ito, ang Water Force ay hindi na muling natalo at rumatsada sa 6 na kabit na tagumpay ang Paint Masters ay nabigo sa kalahati ng kasunod nilang 6 na laro. (Ulat ni IAN BRION)

vuukle comment

ANG VIVA

BLU STAR

BLU STAR DETERGENT

BLUE EAGLES

BLUE EAGLES GYM

DETERGENT KINGS

HAPEE

HAPEE TOOTHPASTE

LEE PIPES

SUNKIST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with