DLS-AU bagsak sa PCCr
September 9, 2003 | 12:00am
Sumandig ang Philippine College of Criminology sa mainit na kamay ni Mac Barracel upang pabagsakin ang De La Salle-Araneta University, 74-64 kahapon sa 9th CUSA season basketball tournament sa PMI Gym sa Sta. Cruz, Manila.
Nagbuhos si Barracel ng 26 puntos, 16 nito ay sa second period kung saan tuluyang nakalayo ang Enforcers. Siya ay sinuportahan nina Rodel Chua at Brian Ilad na nag-tala ng 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Ang panalo ay ang ika-4 ng PCCr sa lima nilang asignatura na nagsalo sa kanila sa Philippine Mari-time Institute sa ikalawang puwesto.
Sa womens division, nilusutan ng PMI Lady Admirals ang Trinity College of Quezon City, 67-62, para sa kanilang ika-3 sunod na panalo at nagsosolo sa liderato.
Ginapi rin ng Central Colleges of the Philippines ang Technological Institute of the Philippines, 48-40 at inilampaso ng PCCr Lady Enforcers ang DLS-AU, 65-38. (Ulat ni Ian Brion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended