^

PSN Palaro

Shark di umubra sa La Salle

-
Nakabawi ang ICTSI-La Salle sa kanilang mahinang simula para hatakin ang 65-52 panalo kontra sa Shark Energy Drinks kahapon para mangailangan na lamang ng isang panalo upang makakuha ng play-off berth patungong finals ng 2002 PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Pinangunahan ni James Yap ang ICTSI Archers sa paghakot ng 21-puntos upang ma-out-score ang kanilang kalaban, 42-12 sa second half at makopo ang kanilang ikaapat na panalo sa semifinal round at ika-11 sa kabuuang 17 laro

Kailangang manalo ng La Salle laban sa Blu Sun Power sa Lunes para makahabol sa 5-of-8 incentive rule na magkakaloob sa kanila ng karapatang kalabanin sa play-off ang magtatapos na no. 2 team para sa huling slot ng finals.

Ang 12-puntos na produksiyon ng Power Boosters sa second half ang ikalawang all-time lowest score sa isang half.

Maganda ang simula ng Shark na agad naka-10-0 at umangat pa sa 36-8 sa ikalawang quarter ngunit nagsimulang mag-init si Yap na umiskor ng three-point play upang makalapit ang Archers sa 23-40 at hindi nila hinayaang makaiskor ang kalaban ng walong minuto sa ikatlong quarter sa kanilang pagbabalik. (Ulat ni CVO)

vuukle comment

BLU SUN POWER

JAMES YAP

KAILANGANG

LA SALLE

MAGANDA

MAKATI COLISEUM

NAKABAWI

PINANGUNAHAN

POWER BOOSTERS

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with