^

PSN Palaro

Blu Sun Power tumingkad ang pag-asa

-
Tuluy-tuloy sa pag-ahon ang Blu Sun Power matapos iposte ang 61-58 panalo kontra sa natanggalan ng koronang Shark Energy Drinks kahapon sa pagpapatuloy ng semifinal round ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum kahapon.

Nailista ng Detergent Kings ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa limang laro sa semis at ika-10 sa kabuuang 16-pakikipaglaban na nag-lapit sa kanila sa karapa-tang harapin ang no. 2 team sa bisa ng 5-of-eight incentive rule ng liga.

Lalo namang nabaon ang Power Boosters sa pangungulelat na nananatiling bokya pa rin sa semis sanhi ng kanilang 6-10 win-loss record.

Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Blu upang makakuha ng play-off ticket at kung maidederetso nila sa tatlong panalo ay awtomatikong finals slot ang naghihintay.

Nanatiling may banta ang Shark sa 58-60 matapos ang triple ni Ismael Junio ngunit nakahugot ng foul si Aries Dimaunahan kay Junio at umiskor ng split shots para sa final score, dalawang segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro. (Ulat ni Carmela C. Ochoa)

vuukle comment

ARIES DIMAUNAHAN

BLU

BLU SUN POWER

CARMELA C

DALAWANG

DETERGENT KINGS

ISMAEL JUNIO

JUNIO

MAKATI COLISEUM

POWER BOOSTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with