^

PSN Palaro

Pinoy athletes maghahanap ng ginto ngayon sa 21st

-
KUALA LUMPUR --Ipapamalas na ng mga Filipino athletes ang kani-kanilang talento kontra sa mga mahuhusay na atleta sa kalapit na bansa sa pagbubukas ngayon ng hostilidad ng 12 events ng 21st Southeast Asian Games.

Tangka nina trap shooters Eric Ang, Jaime Recio at Jethro Dionisio ang gold sa final 50 targets ng men’s trap event simula sa alas-8 ng umaga.

Ang iba pang tutudla sa Subang range ay sina Susan Aguado, Therese Cantada at Ma. Lourdes Ramirez sa 10-meter women’s air pistol competition at aasinta naman sina Carolino Gonzales, Marcelo Gonzales at Gilbert Escobar sa 50 meter free pistol tilt.

Lalangoy na rin ang mga swimmers, gayundin ang mga equestrian riders sa alas-8 ng umaga.

Sisimulan ni Carlo Piccio ang kanyang kampanya sa 400-meter individual medley at paglangoy sa isang yugto ng 4x200 freestyle relay kasama sina Miguel Mendoza, Miguel Molina at Mark Kalaw. Sisisid naman si Lizza Danila sa 200 backstrokes at 200 IM kasama si Luica Dacanay at Jenny Guerrero, ayon sa pagkakasunod, habang sasabak sa aksiyon si Lynette Ang sa 100 freestyle.

Magpapakita ng aksiyon sina Vittorio Barba, Daniele Couangco, Paola Camila Zobel at Janine Santos sa equestrian’s showjumping event sa Selangor Turf Club.

Hindi magpapahuli ang lahok ng wushu kung saan sisikapin nilang masungkit ang pito sa walong gintong nakataya sa nasabing event na idaraos sa Penang, habang target ng taek-wondo-jins na sina Manuel Rivero Jr., Jasmin Strachan, Jefferthom Go at Kalindi Tamayo na maiuwi ang karangalan sa bantamweight at featherweight classes.

Nakasalalay sa mga kamay nina wushu bet Robert Rosales, Wally Wang, Janice Hung, Lily So, Alvin Ting at May Lim ang pag-asa ng bansa.

Ang kompetisyon sa sanshou ay magsisimula rin ngayon kung saan sasagupain nina Jerome Calica, Rexel Nganhayna at Eduard Polayang ang kani-kanilang karibal.

Sasabak na rin sa aksiyon ang Philippines sa karatedo, boxing, speak takraw, tennis at women’s volleyball.

haharapin ng women’s team. At sa sepak takraw, titipanin ng RP men’s team ang Myanmar at makikipagsipaan naman ang women’s squad kontra sa Cambodia sa alas-2 at alas-5 ng hapon, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

ALVIN TING

CARLO PICCIO

CAROLINO GONZALES

DANIELE COUANGCO

EDUARD POLAYANG

ERIC ANG

GILBERT ESCOBAR

JAIME RECIO

JANICE HUNG

JANINE SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with