^

PSN Palaro

Kumpirmadong 8 teams pasok sa PBL conference

-
Tanging walong koponan na lamang ang magpapakita ng aksiyon sa pagbubukas ng ikalawang kumperensiya ng Philippine Basketball League--ang Challenge Cup sa Nov. 4.

Sinabi kahapon ni PBL Commissioner Chino Trinidad noong Martes na walong koponan lamang ang papayagan ng liga na lumahok dahil sa nararamdaman niya na ang bilang na ito ang siyang ideal na dami ng mga koponan upang maging balanse at kompetitibo ang labanan.

Ang walong koponan ay kinabibilangan ng Chairman’s Cup champion Welcoat Paints, Shark Energy Drink, Blu Detergent, Hapee Toothpaste, Ana Freezer, Montana Jewels, Pioneer Insurance at Osaka Health Clinic.

Ang Pioneer ay bubuuin ng buong miyembro ng Ateneo Blue Eagles sa pangunguna ni Enrico Villanueva at Richie Alvarez, habang ang Osaka ay babande-rahan naman ng kasalukuyang UAAP champion De La Salle Green Archers.

Kasabay nito, sinabi rin ni Trinidad na hindi makakalahok ang Bingo Pilipino squad sa susunod na conference matapos na bumoto ang board para sa pagbabalewala ng kanilang aplikasyon para maging regular member ng PBL.

Sa kabila ng nakapagbayad na ang Bingo Pilipino ng kanilang dues sa PBL nagdesisyon ang liga sa walong koponan lamang at isina-isantabi nila ang Bingonaryos.

Samantala, nagdesisyon na ang Photokina Marketing Corporation na hindi na nila ipagpupursige ang kanilang plano na muling sumapi sa PBL at sa halip at itutuon na lamang nila ang kanilang atensiyon sa PBA team ang Batang Red Bull dahil na rin sa eight-team limit ng PBL.

vuukle comment

ANA FREEZER

ANG PIONEER

ATENEO BLUE EAGLES

BATANG RED BULL

BINGO PILIPINO

BLU DETERGENT

CHALLENGE CUP

COMMISSIONER CHINO TRINIDAD

DE LA SALLE GREEN ARCHERS

ENRICO VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with