Beermen silat sa Dyip
MANILA, Philippines — Ginulantang ng No. 8 Terrafirma ang No. 1 San Miguel matapos agawin ang 106-95 panalo sa quarterfinals ng Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.
Nagpasabog si Juami Tiongson ng 29 points, 6 rebounds at 3 assists para sa Dyip habang may 25 at 22 markers sina top rookie Stephen Holt at Isaac Go, ayon sa pagkakasunod.
Ito ang unang franchise playoff win ng koponan ni coach Johnedel Cardel na nakahugot kay Javi Gomez de Liano ng 15 points, 10 boards at 8 assists.
“We’re playing good defense. Alam nila ang ginagawa nila sa loob,” wika ni Cardel sa kanyang tropa na nagsalpak ng kabuuang 15 triples kasama ang anim ni Go, apat ni Holt at tatlo ni Tiongson.
Armado ng ‘twice-to-beat’ advantage, nakakuha ang Beermen ng 21 points at 16 rebounds kay seven-time PBA MVP June Mar Fajardo kasunod ang 20 markers ni CJ Perez.
Bitbit ang 54-49 halftime lead, isang 12-6 atake sa pagbibida nina Holt at Go ang naglayo sa Terrafirma sa 66-55 sa 9:01 minuto ng third period.
- Latest