Meralco amoy na ang semis
MANILA, Philippines — Bumangon ang Meralco mula sa isang 12-point deficit sa first half para talunin ang NLEX, 97-93, sa Game One ng kanilang quarterfinals series sa Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Isinalpak ni Allein Maliksi ang dalawang free throws sa huling 9.6 segundo para sa 1-0 lead ng Bolts sa kanilang best-of-three showdown ng Road Warriors.
Tumapos si Maliksi na may 22 points para sa Meralco, habang may 15 at 14 markers sina Raymond Almazan at Anjo Caram, ayon sa pagkakasunod.
Nagdagdag sina Chris Newsoe at Chris Banchero ng tig-12 points.
Nasayang ang career-high 48 points ni Robert Bolick sa panig ng NLEX
Ang dalawang charities ni Bolick ang nagbigay sa Road Warriors ng 49-37 abante sa 3:02 minuto ng second period.
Ngunit unti-unting nakalapit ang Bolts hanggang maagaw ang 81-75 kalamangan sa 8:41 minuto ng fourth quarter.
Huling natikman ng NLEX ang unahan sa 93-92.
- Latest