^

Punto Mo

EDITORYAL – Maghanda sa La Niña

Pang-masa
EDITORYAL � Maghanda sa La Niña

PAGKATAPOS ng pananalasa ng El Niño ang La Niña naman ang nakaambang manalasa sa bansa. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophy­sical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng manalasa sa Hulyo o Agosto ang La Niña at posibleng magdulot nang malalakas na ulan na magdudulot ng pagbaha at landslides sa mga lugar na tatamaan.

Huling nanalasa ang La Niña noong Nobyembre 2021 na nagdulot ng grabeng pag-ulan, baha at pagguho ng lupa. Ang pinakamalakas na La Niña ay naranasan noong 1999 kung saan walang patid ang ulan.

Ang La Niña ay isang weather phenomenon na mahaba ang panahon ng tag-ulan. Lumalamig ang tempera­tura ng silangang bahagi ng Pacific Ocean na nagi­ging dahilan para mabuo ang mga bagyo na magdudulot ng mga malalakas na pag-ulan.

Kahapon, umulan nang malakas sa maraming bahagi ng Metro Manila at sa mga kalapit probinsiya. Tatlong sunod na araw nang bumubuhos ang malakas na ulan tuwing hapon at sa gabi. Hindi pa panahon ng La Niña pero nakikita na ang kahaharaping problema sa baha. Kaunting buhos ng ulan, umaapaw na ang mga kalsada sa Maynila at hindi madaanan ng mga light vehicles. Sa Taft Avenue at España, Maynila, hanggang tuhod agad ang tubig-baha.

Kahit walang La Niña, problema ang baha sa Metro Manila. Pinalulubha ito ng mga baradong drainage. Pawang mga basura ang nasa drainage kaya walang madaluyan ang tubig. Taun-taon sa panahon ng tag-ulan ay ganito ang senaryo sa Metro Manila at mga kalapit probinsiya. Walang katapusang problema sa baha ang pinapasan ng mamamayan na hindi nila alam kung kailan matatapos.

Problema rin ang mga nakatira sa pampang ng estero na sa kasalukuyan ay parang mga kabuteng nagsulputan. Kapag bumaha, inaanod ang kanilang mga barung-barong at may mga namamatay sa pagkalunod. Hindi matapus-tapos ang problema sa informal settlers na tuwing may kalamidad ay pasanin ng gobyerno.

Maghanda sa pagtama ng La Niña. Pakilusin ang mga ahensiya na may kinalaman sa pag-rescue sakali at dumating ang malakas na bagyo at mala­king pagbaha. Atasan na ang DSWD sa mga tulong na ipagkakaloob sa mga maaapektuhan ng kalamidad. Ipag-utos sa DPWH, DILG at MMDA na alisin sa pampang ng mga ilog ang mga informal settlers. Atasan ang DENR na ipagbawal ang pagtira sa mga paanan ng bundok na karaniwang naguguho dahil sa matinding pag-ulan. Sikapin na walang buhay na masasayang.

vuukle comment

LA NIñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with