^

Pang Movies

Alden, ‘di nakatiis sa fake news!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alden, �di nakatiis sa fake news!
Alden Richards

Nagsalita ang Box Office King at Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards tungkol sa kanila ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Nagkita sila kamakailan nang pareho silang makatanggap ng award at nag-viral ang kanilang video kung saan inalalayan ng aktor ang ex ni Daniel Padilla sa stage.

Marami ang kumakalat ngayon na fake tweets na gumagamit ng pangalan ng Kapuso actor tungkol sa aktres at kay Daniel.

Kaya naman pinag-iingat ni Alden ang netizens sa mga nababasa nila kung saan siya ginagamit.

Kahit kailan daw ay hindi siya nagkokomento ng kahit anong defamatory words lalo na sa mga taong hindi naman niya masyadong nakakasama dahil wala naman daw siyang karapatang manghusga sa taong tinutukoy sa fake tweets.

Kaya panawagan niya ay mag-fact check muna bago maniwala sa mga nababasa sa internet dahil talamak na talaga ang fake news sa social media.

“Ingat lang po tayo sa fake news dahil ang social media po ay pugad ng fake news so not until ‘yung mga official accounts po ng mga artista ang nag-post ng tweets na kumakalat diumano, eh ‘wag po natin agad paniwalaan at mag-fact check po muna tayo bago tayo mag-call out ng judgment,” pahayag ni Alden.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with