La Salle tinambakan UE

MANILA, Philippines — Tinuldukan ng defending champion De La Salle University ang two-game losing streak matapos nilang tambakan ang University of the East, 112-87 sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa PhilSports Arena sa Pasig City kahapon.
Pinamunuan ni Mason Amos ang opensa para sa La Salle upang tulungan ang koponan na ilista ang 2-2 record at manatiling may tsansa sa pagdepensa ng kanilang titulo.
Tumikada si Amos ng 19 points, bumakas si Jacob Cortez ng 15 markers habang 11 ang kinana ni Mikey Cortez para sa La Salle na ibinaon ng todo ang Red Warriors sa ilalim ng team standings na pasan ang 0-5 karta.
“We just discussed how unpredictable this season will be, especially with the games yesterday. This is just gonna make every game very, very interesting. We came from back-to-back losses; those are big losses for us, but I guess it’s just more on focusing on our own race, making sure we’re just gonna focus on ourselves,” ani La Salle head coach Topex Robinson.
Nakaranas ang Green Archers ng maagang problema ngayong season matapos matalo sa University of Sto. Tomas Growling Tigers, 75-80, at sa Far Eastern Univeristy Tamaraws, 78-90.
Nangyari ang kamalasan ng La Salle matapos manalo sa unang laro nila ngayong season kontra National University 89-87.
Malakas na sinimulan ng Taft-based squad ang kanilang laro sa unang dalawang quarters kaya naman nahawakan agad nila ang 19-point lead, 61-42 sa halftime.
Hindi nagbago ang mainit na laro ng La Salle sa third canto, lumobo pa ang kanilang bentahe sa 24 puntos, 89-65 papasok ng fourth quarter.
Dahil sa laki ng lamang ng La Salle ay hindi na nakahabol ang naghihingalong UE.
- Latest




















