^

PSN Palaro

Quezon City fencing program lalong palalakasin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangako si Quezon City 1st District Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde na susuportahan ang QCSEP, isang Quezon City fencing program na responsable sa pagpapadala ng atleta sa 2024 Olympics sa Paris.

Ang QCSEP, itinatag 18 taon na ang nakakaraan, ay isang programa ni longtime QC 1st District Councilor Joseph Juico.

“Fencing is one of the many sports that young Filipino athletes can excel in, and we are working with Councilor Joseph Juico so that we can help QCSEP better develop Filipino fencers who can compete not only in local tournaments, but also in international competitions,” sabi ng miyembro ng Youth Sports Development Committee sa House of Representatives.

Nakausap ni Atayde si Juico kasama ang mga batang fencers ng QCSEP at kanilang mga magulang noong Mayo 17 sa kanyang opisina sa West Avenue, Quezon City.

“It’s great to know that there’s a grassroots sports program for fencing in Quezon City that develops and nurtures kids from all over Metro Manila. With enough helping hands, QCSEP can produce fencers who can excel in the sport and one day win a medal for our country in the Olympics,” ani Atayde na magbibigay ng financial support para sa programa ng QCSEP.

Pinuri ni Atayde ang QCSEP para sa pagdiskubre kay Samantha Catantan at sa paglahok nito sa 2024 Paris Olympics.

Ang 22-anyos na si Catantan ay residente ng Barangay Del Monte, Quezon City at ang unang Pinoy fencer na nag-qualify sa Olympics matapos si Walter Torres noong 1988.

Nakuha ni Catantan ang tiket para sa Paris Olympics matapos tusukin ang gold medal sa women’s foil event ng Asia-Oceania Zonal Olympic Qualifier sa United Arab Emirates.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with