Mavs swak sa West Conference Finals
DALLAS — Tinapos ng Mavericks ang kanilang semifinals series ng Oklahoma City Thunder papasok sa Western Conference finals sa ikalawang pagkakataon sa nakalipas na tatlong season.
Humakot si Luka Doncic ng 29 points, 10 rebounds at 10 assists para sa ikaapat na triple-double sa postseason sa 117-116 pagsibak ng Dallas sa Oklahoma City sa Game Six.
Ipinasok ni P.J. Washington Jr. ang dalawang free throws bago ang isang intentional miss sa huling 2.5 segundo para sa kanilang panalo.
“It wasn’t Luka (Doncic) or Kai (Irving) making the game-winner,” sabi ni coach Jason Kidd kay Washington. “It was the trust of Luka and the ball touches the paint, they collapse, he trusted P.J. We find a way to win.”
Tinapos ng Mavericks ang kanilang best-of-seven showdown ng Thunder sa 4-2 at lalabanan sa conference finals ang mananalo sa semis duel ng nagdedepensang Denver Nuggets at Minnesota Timberwolves.
Tabla sa 3-3 ang serye ng Nuggets at Timberwolves at maghaharap sa Game Seven.
- Latest