QCPD ilunsad Project KRIS sa community partnership

MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon ng Quezon City Police District (QCPD) ang Project KRIS (Kabalikat, Report, Intervene, Samahan) sa Camp Karingal, Quezon City, bilang hakbang upang palakasin ang ugnayan ng pulisya at mga residente sa pagpigil sa krimen at pagpapanatili ng kaligtasan sa komunidad.
Pinangunahan ni QCPD Director PBGen. Christopher Olazo ang paglulunsad, kasama si NCRPO chief PBGen. Christopher Abrahano kung saan isinagawa ang oath-taking at paglagda ng mga stakeholder sa Pledge of Support para sa proyekto.
Ayon kay Abrahano, mahalaga ang tiwala ng publiko sa pulisya upang maging epektibo ang pagpapatupad ng batas. Aniya, hindi sapat ang pagbaba ng crime statistics kung patuloy namang nagiging biktima ng krimen ang mga ordinaryong mamamayan.
Layunin ng Project KRIS na hikayatin ang mga QCitizen na makipagtulungan sa pulisya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon, agarang pag-uulat at aktibong pakikilahok sa mga hakbang laban sa krimen at iba pang banta sa public safety.
- Latest

















