^

PSN Opinyon

Espiya?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAHILO si Sen. Risa Hontiveros kay Bamban Mayor Alice Guo nang ipatawag ito sa Senate hearing noong naka­raang linggo. Sa sangkaterbang tanong ni Hontiveros, wala siyang napiga kay Guo. Wala itong birth certificate at walang school na pinagtapusan. Malaking palaisipan sa mga senador kung paano ito nanalong mayor gayong may mga kuwa­lipikasyon bago mag-file ng candidacy.

Nang mahalal si Guo, saka natuklasan na may koneksyon ito sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Bamban. Dalawang illegal POGOs ang ni-raid sa compound na pag-aari ni Guo. Bukod sa compound na kanyang pag-aari, maraming mamahaling sasakyan na narekober at mayroon pang helicopter.

Sa paglutang ni Guo, naalarma ang mga ahensiya ng pamahalaan dahil sa hinalang pakawala ito o “espiya” ng China. Eksakto rin ang paglutang ni Guo dahil sa nangya­yaring tensiyon sa West Philippine Sea kung saan binu-bully ng China ang Pilipinas sa pamamagitan ng pag-water canon at pagbangga sa mga barko ng Philippine Coast Guard.

Kasabay ng paglitaw ni Guo ay nabulgar naman ang “gentlenmen’s agreement” ni dating President Digong at Xi Jinping. Dumami rin naman ang mga Chinese national na nag-aaral sa mga unibersidad sa Cagayan at nangungu­pahan sa mga lugar kung saan naroon ang EDCA sites.

Kaya kumikilos na ang Office of Solicitor General para imbestigahan ang pagkatao ni Guo. Pati ang DILG ay iniuutos na rin ang pagsuspindi kay Guo dahil sa pagkakaugnay nito sa POGO. Pati ang Comelec ay hinahalungkat na rin ang pagkatao ni Guo.

Bukas, napag-alaman ko na muling isasalang ng Senado si Guo sa pagdinig. Malalaman dito kung maaalala na niya ang mga mahahalagang impormasyon sa kanyang sarili. Kung hindi, dapat na siyang pagdudahan at maaring isipin na isa nga siyang “espiya”.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with