QCPD pinaigting seguridad sa mga iskul
MANILA, Philippines — Pinaigting ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni PBGen. Christopher Olazo, ang Oplan Bisita Eskwela mula Nobyembre 6 hanggang 12 upang itaguyod ang kaligtasan at pag-iwas sa krimen sa mga paaralan.
Nagsagawa ang mga pulis ng 74 na lektura, 68 talakayan at apat na pagsasanay sa kaligtasan at pagtugon sa emerhensiya.
Nakilahok din ang QCPD sa 13 seremonya ng pagtataas ng watawat at nagbigay ng 122 pagkakataon ng tulong-pulisya sa mga mag-aaral.
Ayon kay Olazo, mahalaga ang edukasyon at pakikipag-ugnayan sa komunidad upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-iwas sa krimen.
Layunin ng programa na mahubog ang mga kabataang responsable, maalam at mapagmatyag sa sariling kaligtasan.
- Latest




















