^

Police Metro

Pilipinas-Canada free trade agreement, selyado na

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinapos na ng mga opisyal ang negosasyon para sa Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at Canada.

Ito ay matapos na magsagawa ng bilateral meetings si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Prime Minister Marck Carney, bilang bahagi ng pagsisikap ng dalawang bansa na palakasin ang kanilang ugnayang pag-ekonomiya at kalakalan.

Si Carney ay dumating sa Maynila kahapon ng madaling araw ilang oras bago ang pakikipagpulong sa mga lider ng Pilipinas.

Sinabi ni Pangulong Marcos, na malaki ang naging progreso ng dalawang bansa at nananatili ang kanilang matibay na hangaring palakasin ang estratehikong ugnayan sa pamamagitan ng kon­kretong mga programa at kasunduan.

Iginiit din ng pangulo ang kahalagahan ng pagpapalawak ng ugnayang pangkalakalan at pakikipagkaibigan ng Pilipinas at Canada, kabilang ang pagpapatibay ng people to people ties ng dalawang bansa.

Tinatayang nasa isang milyong Pilipino ang naninirahan sa Canada kaya umaasa ang Pilipinas na higit pang mapapalakalas ang ugnayan ng dalawang bansa na hindi lang sa larangan ng ekonomiya kundi maging sa oportunidad para sa mga Pilipino.

Inaasahang lalagdaan ng dalawang bansa ang nasabing agreement sa taong 2027

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with