Janella, inaming apaw ang kaligayahan kay Klea

“All aspects of my life feel like...
“I’m peaceful, I’m content, I’m genuinely happy,” sabi ni Janella Salvador nang tanungin namin kung gaano siya kaligaya sa relasyon kay Klea Pineda sa kasalukuyan sa Tara Sa Paskong Kapatid : TV5 Thanksgiving 2026.
Si Janella ang Katambal ni Inigo Pascual sa local adaptation ng The Good Doctor na eere sa TV5 early next year.
Wala nang tinatago ang dalawang actress sa kanilang relasyon.
At tanggap na rin siya ng community na kinabibilangan ni Klea bagama’t may ilang bina-bash.
Pero aniya tuloy lang ang laban. “Pero hoping for a better future in this community, and at the same time, tuloy lang ang laban.”
Basta ngayon aniya ay masaya siya.
“Be myself, living my life. I think nakikita naman kung gaano ako kasaya.”
Wala rin siyang iniiwasan sa kasalukuyan,
“Kasi wala naman akong...I’m not ashamed of anything.
“So be it, so if you want to think what you want to think, wala akong magagawa roon,” sabi niya tungkol sa ibang nangba-bash at hindi favor sa pakikipag-relasyon niya sa kabaro.
Nang sabihin sa kanya kung i-rate 1 to 10 kung gaano siya kasaya :, aniya “1,000.”
Game rin siyang pakasal kung darating ang tamang panahon kay Klea.
- Latest




















