Baligod, 14 ‘Maleta Boys’ inaresto sa ‘unjust vexation’

MANILA, Philippines — Inaresto ng San Juan City Police si Atty. Levito Baligod at 14 na “Maleta Boys” kaugnay sa warrant of arrest sa kasong unjust vexation.
Sa ulat, kinumpirma ni San Juan City Police Chief PCol. Anthony Gantang na isinilbi ang warrant of arrest, Biyernes ng umaga laban kay Baligod at 14 na kasamahan sa harap ng Hall of Justice sa San Juan City.
Ang arrest warrant ay inisyu ng Zambales Regional Trial Court (RTC) noong Setyembre 23 na may inirekomendang P10,000.00 piyansa bawat isa para sa kasong unjust vexation. Nakapiit sa San Juan City Police ang mga ito.
Sa ilalim ng Rules of Criminal Procedure, ang mga warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Courts at Municipal Trial Courts ay maaaring ipatupad sa buong bansa, kaya maaaring isilbi ng mga law enforcement officer ang mga ito kahit sa labas ng hurisdiksyon kung saan ito inilabas at maaari ding doon na maglagak ng piyansa.
- Latest















