^

PSN Opinyon

Lunas sa Premenstrual Syndrome (PMS)

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kung regular kang nakararanas ng pagkalungkot, iritable, pabago-bagong mood bago ang iyong regla, maaaring may­roon kang premenstrual syndrome.

Kaya malunasan ang premenstrual syndrome sa pamamagitan ng lifestyle changes.

1. Baguhin ang iyong diet.

Kumain ng mas kaunti, pero mas madalas para mabawasan ang paglaki ng tiyan.

Limitahan ang asin at maaalat na pagkain.

Pumili ng mga pagkaing mataas sa fiber gaya ng prutas at gulay.

Pumili ng pagkain na mayaman sa calcium tulad ng fat-free, o low-fat dairy products. Pwede uminom ng calcium supplements.

Iwasan ang pag-inom ng kape at alak.

2. Ang regular na pag-e-ehersisyo ay maaaring magpa­kalma ng maraming mga sintomas.

3. Magbawas ng stress. Ang stress ay maaaring magpalubha sa sintomas ng premenstrual syndrome.

I-plano ang sarili sa loob ng 1 linggo habang inaasahan ang sintomas ng PMS.

Magkaroon ng sapat na tulog

Magsanay ng pang-parelax na therapy. Ang pagsasa­nay ng malalim na paghinga ay maaaring makatulong na mabawasan ang pananakit ng ulo, pagkabalisa, o hindi pagkatulog.

Kung hindi gumaling ang premenstrual syndrome sa pamamagitan ng lifestyle changes, kumonsulta sa iyong doktor.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with