^

PSN Opinyon

Tamang blood pressure

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang tama o ideyal na blood pressure ay 120 over 80. Kung mas mababa pa rito ay okay din.

Mga dahilan ng high blood pressure:

Dalawa ang pinanggagalingan ng high blood pressure altapresyon. Una, namana ninyo ito sa mga magulang. Pangalawa, nakuha n’yo ito sa maling pamumuhay tulad ng paninigarilyo, pagiging lampas sa timbang, pagkain ng sobrang alat at matataba at kulang sa ehersisyo.

Mayroon pang ibang mga dahilan na puwedeng magpataas ng inyong presyon gaya ng pagpupuyat, kulang sa tulog, laging nagagalit, sobrang init ng panahon, at sakit sa bato.

Sintomas ng altapresyon – Walang sintomas ang altapresyon. Kadalasan, walang nararamdaman ang taong may high blood. Kaya nga tinatawag na “silent killer” ang high blood pressure dahil nanganganib na pala ang buhay ng pasyente pero wala pang nararamdaman.

Pero may ilang tao ang nakararanas ng sintomas, tulad ng pananakit ng batok, mabigat ang ulo at pagkahilo. Masasabing mapalad ang taong may sintomas dahil mas maaga silang nakapagpapa-check up sa doktor.

Mga kumplikasyon ng high blood – Maraming kumplikasyon ang high blood katulad ng stroke, pagkabulag, sakit sa bato at atake sa puso.

Magpatingin agad sa doktor kapag ang inyong presyon ay lampas 140 over 90 para mabigyan agad ng lunas.

* * *

Mga sakit na matutulungang gamutin sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig. Ang rekomendado ay walong baso ng tubig ang iinumin sa maghapon.

1. Sakit sa bato – Ang sanhi ng bato sa bato (kidney stones) ay ang kakulangan sa tubig. Dahil dito, nagiging madilaw ang ihi at namumuo tuloy ang bato. Mag-ingat at baka tumuloy sa kidney failure at dialysis.

2. Impeksyon sa ihi – Kapag kulang ka sa tubig, mas kakapitan ka ng impeksiyon sa ihi o balisawsaw.

3. Lagnat – Nakapagpapababa ng lagnat ang pag-inom ng tubig. Ito’y dahil maiihi mo ang “init” sa iyong katawan. Painumin ng tubig at juice ang mga may lagnat.

4. Ubo, sipon at trangkaso – Ang sapat na tubig ay nagpapalabnaw ng sipon at plema. Mas bibilis din ang paggaling sa trangkaso.

5. Pangangasim ng tiyan – Malaki ang tulong ng tubig para mahugasan ang acido sa ating sikmura. Sa pag-inom ng tubig, mababawasan ang ulcer, impatso at sakit ng tiyan. Mas gusto ng tiyan ang maligamgam na tubig.

6. Para lumakas – Kapag kulang ka sa tubig, magiging matamlay ka at manghihina. Lalo na kapag mainit ang panahon, uminom ng maraming tubig.

7. Sakit ng ulo – Nakatutulong ang tubig sa pagtanggal ng migraine o sakit ng ulo.

8. Para pumayat – Bago kumain, uminom ka muna ng 1-2 basong tubig. Mabubusog ka nito at hindi ka mapapakain ng marami. Hindi po nakatataba ang tubig.

9. Para gumanda – Ito ang mahalaga sa lahat. Ang beauty secret ng mga dermatologists ay tubig lang. Kapag kulang ka sa tubig, lulubog ang iyong mata at kukulubot ang balat (wrinkles). Uminom ng tubig para kuminis at kumintab ang iyong kutis. Umiwas ka rin sa araw para hindi kumulubot.

BLOOD PRESSURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with