^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Krimen dumarami alang pulis sa kalye

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Krimen dumarami alang pulis sa kalye

Nakaalarma ang mga nangyayaring pag-ambus nitong mga nakaraang araw. Mistulang pina­ka­walang mga lobo ang mga kriminal at walang habas na pumapatay. Wala nang kinatatakutan at nag­papa­ulan ng bala sa biktima. Ano bang nangyayari sa Philip­pine National Police (PNP) at wala na yatang nagpapatrulya sa kalye? Nasa malamig na airconditioned room na lang ba?

Noong Biyernes ng gabi, isang babaing opisyal ng Land Transportation Office (LTO) ang pinagbabaril ng isang lalaking nakasakay sa motorsiklo sa korner ng K-H St. at Kamias Road, Bgy. Pinyahan, Quezon City. Nakilala ang biktima na si Mercedita Gu­tierrez, 64, hepe ng Regis­tration Division ng LTO Central Office­ at nakatira sa New York St., Cubao, Quezon City. Dalawang tama ng caliber .45 ang tinamo ni Gu­tierrez at patay na nang dumating sa East Avenue Medical Center.

Ayon sa Quezon City Police District, dakong­ 6:20 ng gabi nang tambangan si Gutierrez. Biglang sumulpot ang nag-iisang gunman at binaril ng dalawang­ beses si Gutierrez habang nagmamaneho ng Hyundai Starex van. Mabilis na tumakas ang gunman patungong V. Luna Road sakay ng Honda Click motorcycle na walang plaka.

Noong Miyerkules, isang barangay chairman ng Buli, Muntinlupa City ang pinagbabaril ng riding-in-tandem sa harap ng isang tindahan. Nakilala ang biktima na si Ronaldo Loresca, 48, residente ng Manuel L Quezon Street, Purok 1, Bgy. Buli, Muntinlupa City. Isinugod ang biktima sa Asian Hospital subalit dead-on-arrival na ito. Ayon sa mga nakasaksi, magkaangkas ang mga suspek sa motorsiklo at tumakas sa direksyon ng Sucat area.

Noong Sabado, tatlong bangkay ng lalaki na hinihinalang mga biktima ng summary execution ang magkakasunod na natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Rizal. Ayon sa Rizal Police Provincial Office, dakong 4:00 ng umaga nang matagpuan ang mga bangkay sa Bgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Noong Biyernes, isang retiradong pulis ang napatay matapos manlaban at mabaril ng mga holdaper sa Taytay, Rizal. Nakilala ang biktima na si Gary Boco, 46. residente ng Bgy, Sta. Ana, Taytay, Rizal. Isinugod siya sa Taytay Emergency Hospital subalit dead-on-arrival. Ayon sa Taytay Municipal Police, habang nagbabantay ng kanyang tindahan ang biktima nang biglang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at nagdeklara ng holdap. Tumakas ang mga kriminal.

Walang pulis sa kalye nang maganap ang pag-atake ng mga kriminal. Nasaan ang mga pulis sa oras ng pangangailangan? Nasaan ang pangakong puprotektahan at pagsisilbihan ang mamamayan?

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with