^

PSN Opinyon

Dressmaking: Dagdag na kita para sa mga OFW

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Isa na namang grupo ng mga overseas Filipino worker sa Bahrain ang nagtapos sa isa pang serye ng mga pagsasanay sa ilalim ng reintegration program na itinataguyod ng Philippine Embassy at Overseas Workers Welfare Administration doon kamakailan para sa mga OFW sa natu-rang bansa.

Noong Mayo 17, 2024, isang graduation ceremony ang isi-nagawa sa Arman Hotel sa Bahrain para sa 28 OFW na kinabibilangan ng ilang engineer, accountant, skilled workers at domestic helper na nagtapos ng kursong dressmaking na isinagawa sa loob ng anim na biyernes sa pakikipagtulungan ng “Pinay Ikaw Na” (PIN) na isa sa mga  orga-nisasyon ng mga Pilipino sa naturang bansa.

Ipinaliwanag ni PIN President Dinah Sta. Ana na mahigit dalawang taon nang isinasagawa ang naturang reintegration program para sa mga OFW sa Bahrain para “Kapag umuwi sila sa Pilipinas ay puwede nilang magamit sa kanilang pangkabuhayan o kung gusto nilang maiba naman ang maging trabaho nila rito gaya ng mga domestic workers. Hindi habang panahon ay kasambahay sila. Pwede silang maglagay ng sarili nilang negosyo para may dagdag kita.”

Bukod sa dressma-king, itinataguyod din ng embahada, OWWA at ng PIN ang pagbibigay sa mga OFW ng iba pang mga pagsasanay tulad ng mga kursong     Food Processing, Ba-king, at Hair Cut, Color & Make Up. “Sa hinaharap, magkakaroon din kami ng massage therapy at flower arrangement para may dagdag kaalaman ang mga OFWs dito sa Bahrain, ayon pa kay Sta. Ana na isa nang retired banker at 38 taon nang naninirahan sa Bahrain.

Ayon kay Cecil Ancheta na Filipino staff ng Sherry International sa Bahrain, tumulong sa pagtuturo sa mga estudyanteng OFW  ang skilled mentor na si Epifania Puyoc at pitong assistant teacher na nagtapos din sa mga naunang dressmaking classes. Kasama sa mga itinuro ang  pattern making, cutting, textile manipulation at designing.

“Nagbunga ang dedikasyon ng mga traineer dahil nakalikha sila ng sarili nilang kakaiba at nakakagilalas na mga koleksyong nagpahanga sa mga audience at tumanggap ng mga papuri,” sambit ni Puyoc.

Kabilang sa nag-aral ng dressmaking si Irma A. Morota, 58 anyos, na 18 taon nang nagtatrabaho sa Bahrain. “Maaari ko nang ayusin ang mga damit ko na hindi na kasya sa akin. Madali ko nang matatahi ang kahit maliliit na sira at gumawa ng bagong mga damit tulad ng balloon skirt, pajama, simple dress and gown. Nakakatuwa ang pagkuha ng body measurement, sketching, drafting at cutting,’’ dagdag niya.

Isa pang estudyanteng OFW si Rosario Constantino, 53 anyos, nagmula sa Negros Occidental at nagtatrabaho bilang housemaid. Nagpapasalamat naman siya sa kanyang among Canadian na si Ashley Parker. “Kasama ko siya ngayon,” sabi niya sa isang panayam ni Cecil Ancheta. “Suportado niya ako kahit noong simula pa.  Linggo ang day off ko pero pinayagan niya akong lumiban sa trabaho tuwing Biyernes para makasali ako sa dressmaking class. Lubha akong nagpapasalamat.”

Ang iba ring grumadweyt sa dressmaking ay sinamahan din ng kanilang mga employer at kamag-anak para bigyan sila ng suportang moral sa napakahalagang kaganapan sa kanilang buhay.

Matatandaan na noong Enero 2024, dalawampu’t limang OFW ang nagsanay sa kursong  meat processing na itinaguyod ng Philippine Embassy, OWWA at Migrant Workers Office sa pakikipagtulungan ng PIN na siyang tulay ng naturang mga tanggapan sa mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Bahrain.

Ayon kay OWWA Welfare Officer Dr. Amelito Adel, ang naturang mga pagsasanay ay magbibigay ng dagdag na mga oportunidad para mapalawak ng mga OFW ang kanilang mga kaa-laman at mapalakas ang kanilang kumpiyansa na ang layunin ay mapaangat ang kanilang pamumuhay.

Hinikayat ni Sta. Ana ang mga dumalo sa pagsasanay na “Gamitin ninyo ito bilang oportunidad na pangkabuhayan na makapagsimula kayo ng sarili ninyong maliit na negosyo at magkaroon ng sarili ninyong mapagkakakitaan pagkatapos ninyong magtrabaho sa ibang bansa.”

* * * * * * * * * * *

Email- [email protected]

vuukle comment

OFW

WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with