^

PSN Opinyon

P8-M payola sa sugal lupa ni Marbil, paninira lang!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

May P8 milyon na “goodwill money” si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa pasugalan? Ang Marites na ito ay kumakalat sa Camp Crame na ikinabahala ni Marbil kahit may memo pa siya na arestuhin ang kalalakihan na gumagamit ng pangalan n’ya sa illegal gambling. May kato­tohanan kaya ito?

Dapat siguro paimbestigahan ni Marbil kay Maj. Gen. Westrimundo “Patrick” Obinque, ng PNP Directorate for Intelligence (DI), ang paggiba ng kalalakihan sa kanyang pangalan. Mismooooo!

Sino naman kaya ang sobrang tapang na gagamit ng pangalan ni Marbil sa koleksiyon sa illegal gambling? Hindi lang ang pangalan ni Marbil ang nasisira dito kundi maging­ ang imahe ng PNP, di ba mga kosa? Ayaw ni Gen. Marbil ng ganyan. Mismooooo!

Sinabi ng mga kosa ko na nag-aaway ang dalawang kampo kung sino ang dadampot ng grasya para kay CPNP sa mga sugal lupa sa buong Pinas. Para gibain ang kalaban nila, ipinarating ng kampo ni alyas Maklang kay Marbil, na ang karibal nila na si alyas Adlaw ay nakakolekta na ng P8 milyon bilang goodwill money.

Kalakaran naman kasi ‘yan mga kosa na kapag may bagong hepe, hindi lang CPNP kundi maging sa RD, PD, COP, na ang mga financiers ng sugal lupa ay mag-aabot ng tinatawag na “goodwill” bilang pakikisama. Alam kaya ito ni Marbil? Sanamagan! Owano….este ewan ko no? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kung sabagay, pag-upo pa lang ni Marbil, itong tropa ni Maklang ay nag-iikot na sa iba’t ibang parte ng Pinas para idampot ang opis n’ya sa sugal lupa. Mukhang natu­nugan nila na may nagbigay ng basbas sa kampo ni Adlaw­ kaya ginigiba na nila. Kapag nakapag-take off kasi itong si Adlaw, lagot at mawawalan ng delihensiya itong kampo ni Maklang. Get’s n’yo mga kosa?

Subalit sa ginawang psywar ni Maklang, baka pati s’ya ay maapektuhan kapag natauhan si Marbil? Eh di wow! Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Si Maklang ay trusted man ni Marbil dahil s’ya ang unang sampung opisyal ng PNP na na-appoint sa puwesto pag-upo mismo ng huli. Mukhang nasarapan ‘ata si Maklang sa ginagawa n’ya kaya’t pati sugal lupa ay gusto pang pasukin. Wala ring kabusugan itong si Maklang, ‘no mga kosa?

Alam kasi ni Maklang na walang alam o bulag itong si Marbil kapag sugal lupa ang pag-uusapan kaya’t nagbabasakali s’yang maisahan n’ya ang amo n’ya. Wanakosey! Kung sabagay, gagawa ng history sa PNP itong si Maklang dahil s’ya ang kauna-unahang opisyal na taga-hawak na ng pitsa ni Marbil abayyy tong kolektor pa. Susmaryosep! Ang sakit sa bangs nito!

Siyempre, habang nanggugulo itong kampo ni Maklang, naguguluhan din ang mga financier’s ng sugal lupa dahil hindi nila alam kung kanino nila iabot ang pakikisama nila. Eh di wow! Magiging crucial ang darating na linggo dahil hindi naman papayag ang kampo ni Adlaw na basta-basta lang siya sisipain ng tropa ni Maklang. Lintek lang ang walang ganti, di ba mga kosa? Dipugaaa!

Kawawang Marbil. Nasalang sa kahihiyan sa away ng mga bataan dahil sa pitsa. Mismooo! ‘Wag kumurap mga kosa! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with