^

PSN Opinyon

Nasaan na ang  malayang Kongreso

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG sabi, kung ang Mababang Kapulungan ay kontrolado­ ng Ehekutibo, ang Senado ay mas malaya sa mga pani­nindigan nito. Na sa ngalan ng demokrasya, kaya nitong tutulan ang anumang panukala ng administrasyon. Ngunit hindi pala laging totoo ito.

Kusang nagbitiw si Sen. Juan Miguel Migz Zubiri dahil­ daw sa pressure mula sa itaas. Lumabag daw siya sa ka­gus­tuhan nito. Ano’ng kagustuhan iyon?

Unang-una, ang matibay niyang pagkontra sa Cha-cha through Peoples Initiative, pangalawa ay ang hindi niya pagpigil sa patuloy na hearing ng Senado sa tinatawag na PDEA leaks na isinasangkot mismo si Presidente Bongbong Marcos sa usapin ng paggamit ng droga.

Marangal ang ginawa ni Zubiri na kusa siyang nagbitiw sa puwesto at ang hinirang na kapalit niya si Senador Chiz Escudero. Pero inamin niyang siya ay “heart broken” dahil nang umuugong pa lang ang balitang papalitan na siya, maraming kumampi sa kanya at nangakong susupor­tahan siya. Pero sa bandang huli, nangawala ang mga ito.

Nakasasakit nga naman ng loob ito. Ang pangyayari ay nagbigay ng batik sa ating legislature na dapat sana ay malaya sa pagdedesisyon at hindi lang bow nang bow sa mas nakatataas.

Ngunit ganyan yata talaga sa pamahalaan. Hindi maihiwalay ang pamumulitika. Kung sino ang mas makapang­yarihan ay palaging siya ang nasusunod.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with