^

Punto Mo

Sports complex, gumuho: 1 utas, 2 sugatan

Cristina Timbang, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang pagtatrabaho ng tatlong construction worker na ikinasawi ng isa makaraan silang matabunan ng lupang gumuho sa ipinatatayong sports complex, ka­makalawa ng gabi sa Brgy. Muzon, Taytay, Rizal.

Kinilala ang nasawi na si Renato Roda Radorez habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang dalawang kasamahan na sina Jaime Sungcados at Judino Rellesiva, pawang construction worker.

Sa ulat ng Taytay Police, dakong alas-11 ng umaga kamakalawa nang maganap ang insidente.

Habang abala ang tatong obrero sa paghuhukay sa pinapagawang Taytay Sports Complex nang biglang gumuho ang hinuhukay nilang lupa na sanhi upang sila ay matabunan.

Mabilis namang nagsagawa ng search and rescue operations ang awtoridad sa lugar.

Nabatid na makalipas ang ilang oras na pag­hahanap, naiahon ang katawan ng mga biktima at agad itinakbo sa Taytay Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival si Radorez habang inoobserbahan pa rin ang dalawang nabanggtit na kasamahang obrero.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with