^

PSN Opinyon

Mga pulis, na-stress sa kaiisip kung sino ang bagong PNP chief!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Matindi talaga ang labanan sa pagka-chief ng Philippine National Police. Hamakin n’yo mga kosa, urong-sulong ang liderato ni President Bongbong Marcos at hindi malaman kung sino ang ipapalit kay outgoing PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. Nagpalabas na kasi ng media advisory si PCOO Secretary Cheloy Garafil na ang turnover of com­mand ay kahapon, subalit sa kasamaang palad, biglang kumam­byo ito at ipinagpaliban sa Abril 1. ‘Ika nga, after the Holy Week na lang. Tsk tsk tsk.

Pinahaba pa ang termino ni Acorda at marami pa ang mangyayari sa apat na araw na ‘yan. Mismooooo! Hehehe! Mukhang may nag-aapila pa sa Palasyo kaya nabalam ang turnover nitong Marso 27. Ano pa nga ba!

Habang humahaba ang termino ni Acorda, ganundin kahaba ang gapangan sa Palasyo, ayon kay kosang Gracia. Eh di wow! Hahaba rin ang penitensiya ng mga kandidato ngayong Holy Week, di ba mga kosa? Hindi makahinga nang maluwag ang mga kandidato kasi alam nila na habang gu­ma­­gapang ang mga Santo… este mga padrino hindi pa sigurado ang tsansa nila hanggang ideklara na ni BBM kung sino ang napili niyang papalit kay Acorda. Sakit sa bangs nito!

Maraming lumalabas na Marites subalit nagsawa na si Dipuga na patulan ang mga ito. Kasi nga naman, wala na­mang bago mula pa noong December 3 kung saan inanun­siyo ni BBM na extended si Acorda. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang kampante lang sa ngayon ay si Acorda, na kuntento na sa narating ng serbisyo publiko niya. Ayon kay Acorda, hanggang kahapon na lang ang termino niya at nagulat pa nang ma-extend pa ito hanggang Lunes. Pero isinantabi na ni Acorda ang another extension, ha mga kosa? Malay mo? Sanamagan! Kung sabagay, history na itong nangyari kay Acorda sa pag-extend sa kanya ni BBM na halos apat na buwan.

Sa pagkatanda ni Dipuga, isa si Acorda sa na-extend na PNP chief maliban kay ex-PNP chief Edgar Aglipay noong panahon ni ex-Pres. Gloria Macapagal Arroyo. Get’s mo DRD Director Maj. Gen. Patrick Obinque Sir? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Noong Martes naman, maraming kainan sa Camp Crame dahil sa blow-out ng mga bagong promote na PNCOs at PCOs, kasama na riyan ang anniversary ng Anti-Cyber­crime Group ni Maj. Gen. Sidney Hernia. Kapag may kainan mga kosa, tiyak may umpukan at natural lang na ang hot topic ay ang incoming PNP chief, di ba DIDM director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco Sir?

Nagbiro pa nga si Boss Paco na mag-ikot si Dipuga sa mga opisina at kapag wala ang hepe ay tiyak nasa Malacanang ito at siya na ‘yun. Sa kasamaang palad, ang lahat ng kandidato sa pagka-PNP chief ay nasa opisina naman nila. Hehehe! Maging itong matataas na opisyal ng PNP ay ligaw din kung sino ang magiging hepe nila. Susmaryosep! Hehehe! Sobrang tahimik ng Palasyo ‘no mga kosa at wala man lang leak eh. Dipugaaaaa!

Kaya hindi lang mga kandidato na papalit kay Acorda ang nagpipenitensiya sa ngayon kundi maging ang mga disipulo o backer nila. Stressful din mag-isip kaya! Kaya Boss BBM, ibunyag mo na kung sino ang papalit kay Acorda para mabawasan ang penitensiya naming mga Pinoy nitong Holy Week! Sal-it! Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with